National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Itinakda na ng National Food Authority (NFA) Council ang buying price para sa tuyo' t sariwang palay sa layuning matulungang kumita ng malaki ang mga magsasaka, ayon sa Malacañang.

Nasa ₱19 hanggang ₱23 kada kilo ang bili ng NFA sa tuyong palay habang ₱16 hanggang ₱19 naman para sa sariwa o "wet" palay.

Ikinatwiran naman ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., napagpasyahan ito ng konseho ng NFA upang masiguro ang maayos hanapbuhay ng mga magsasaka.

Gumagawa pa rin aniya ng paraan ang gobyerno upang maging abot-kaya ang bigas sa mga mamimili.

“Nagpatawag ako ng meeting ng NFA Council para tingnan ang puwedeng gawin para ang presyo ng pambili ng NFA sa palay, ‘yung wet at saka ‘yung dry, ay kailangan nating tingnan dahil nagbago na ang sitwasyon,” anang Pangulo.

Si Marcos ang chairman ng NFA Council.