Ibinahagi ng rock icon na si Mike Hanopol ang kaniyang naranasang pang-aabuso sa sarili niya mismong ama sa naging panayam niya kay broadcast-journalist Julius Babao kamakailan.

Binalikan kasi ni Julius ang isang panayam ni Mike kung saan nito binanggit ang tungkol sa naranasan niyang abuso noong bata pa.

“Sa isang interview, nabanggit n’yo ho na noong bata pa lang kayo, nakakaranas din ho kayo ng ano…ng pang-aabuso?” tanong ni Julius.

“Tatay ko mismo.”

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Idinetalye naman ni Mike kay Julius kung ano ang ginagawa sa kaniya ng tatay niya dahil umano sa kaniyang katigasan ng ulo.

Ayon sa rock icon, isinasako umano siya ng sariling ama saka siya dadalhin sa dagat para ilubog doon.

“Anong klaseng kakulitan ang ginagawa n’yo no’n para ilagay ho kayo sa sako ng tatay n’yo?” tanong ulit ni Julius.

Ang sey ni Mike, nang-aagaw umano siya ng laruan ng kapatid niya.

“May laruan siya. May laruan din ako. Gusto ko pang kunin ‘yung iba.”

At hindi lang umano isang beses ginawa iyon sa kaniya ng sariling ama kundi dalawa.

Kaya naman, hindi nakapagtataka ang bigat ng epekto n’on sa pagkatao ni Mike.

“Ang epekto sa akin, hanggang…siguro last 2015, mga ganun, mayroon pa akong anxiety.”

Matatandaang isa si Mike Hanopol sa mga sumuportang artist sa kandidatura nina President Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Z. Duterte.

MAKI-BALITA: Archie Alemania, Mike Hanopol, at ilang miyembro ng Hagibis, suportado ang BBM-Sara tandem

&pp=ygUZbWlrZSBoYW5vcG9sIGp1bGl1cyBiYWJhbw%3D%3D