Inaasahan ng Philippine Coast Guard (PCG) na mas marami pang barko ng Pilipinas ang magbabantay sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni PCG Commodore Jay Tarriela at sinabing umaasa rin sila na magkakabit pa ang pamahalaan ng mas maraming radar upang maprotektahan ang mga asset ng bansa sa WPS.

Aniya, nagpadala ng maraming barko ang China upang sakupin ang halos buong South China Sea (SCS) kamakailan, ayon kay Tarriela.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Our strategic use of technology has allowed us to counter China's action. We have relied on underwater cameras to show not [just] China's blatant disregard for international law, but also how they incur damage to the environment," pahayag pa ni Tarriela na tagapagsalita rin ng PCG para sa WPS.

Kamakailan, nakaranas na naman ng pambu-bully ang tropa ng pamahalaan nang harangin sila ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia sa gitna ng kanilang rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.