General Nakar, Quezon — Natagpuan ng mga rescuer sa Agos River ang bangkay ng isang lalaking nalunod sa Tanay, Rizal kamakailan.

Naiulat na nalunod ang 53-anyos noong Setyembre 4 sa Sitio Old Laiban, Barangay Laiban, Tanay, Rizal at natagpuan ang kaniyang bangkay noong Setyembre 16 sa Sitio Neo, Barangay Pagsangahan dito.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Kinilala ni General Nakar Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Erberto Astera ang biktima na si Fernando Cañeda, residente ng Sitio Old Laiban, Barangay Laiban, Tanay, Rizal.

Iniulat ni Astera na na-retrieve ng mga rescuer ang bangkay ni Cañeda na lumulutang umano sa Agos River na pinaniniwalaang inanod na halos 30 kilometro ang layo.

Ang naturang bangkay ay iniuwi na rin sa pamilya.