CAGAYAN - Naalarma na ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan dahil sa pagtaas ng kaso ng nahahawaan ng sore eyes.

Sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Provincial Health Office (PHO), umaabot na sa 40 kaso kada araw ang naitatala sa lugar.

Karamihan sa naapektuhan ng sore eyes ay mga bata na taga-Tuguegarao City, ayon sa PESU.

Ayon pa sa PESU, ang sore eyes o conjunctivitis ay isang impeksyon o iritasyon sa mata na bunga ng mga mikrobyo. Karaniwang sintomas nito sa mata ay ang pamumula, pamamaga, pananakit, pagluluha, pagmumuta, maging ang pagkakaroon ng makati o mahapdi na pakiramdam.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito