Ipinahayag ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga kandidato ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na kapag nahalal sila posisyon ay unahin nawa umano nila ang interes ng bayan.

Sa isang panayam matapos dumalo si Go sa paglulunsad ng 159th Malasakit Center sa Bislig City, Surigao del Sur kamakailan, sinabi ng senador na hindi dapat sayangin ng mga mahahalal sa posisyon ang tiwalang ibinigay ng taumbayan.

“Public office is a public trust. Kung kayo po ay iluklok diyan, huwag n’yo pong sayangin ang tiwalang ibinigay sa inyo ng taumbayan,” ani Go.

"Unahin po natin ang interes ng tao, unahin po natin ang interes ng bayan. Unahin po natin tulungan ang mga kababayan nating mahihirap, ang mga pobre,” saad pa niya.

Comelec: Higit 1.4M aspirants, naghain ng COC para sa 2023 BSKE

Kasabay nito, muling pinanawagan ni Go ang inihain niyang Senate Bill No. 197 o ang Magna Carta Magna Carta for Barangays, na naglalayong kilalanin ang kritikal na tungkulin ng mga opisyal ng barangay sa paghahatid ng mga serbisyo mula sa gobyerno.

Batay sa inilabas na datos ng Commission on Elections (Comelec) kamakailan, umaabot na sa mahigit 1.4 milyon ang bilang ng mga aspirant na naghain ng kanilang kandidatura o Certificates of Candidacy (COCs) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Nakatakda namang maganap ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30 ngayong taon.