Umani ng kritisismo ang national costume ng kandidato ng Pilipinas sa "Mister International 2023" na ginaganap sa Thailand, dahil tila napaka-casual lang daw nito at hindi man lamang daw pinag-isipan.
Makikita kasi na ang kaniyang pang-itaas ay modern Barong Tagalog at ang kaniyang pantalon naman ay kakulay nito't nakasuot lamang ng rubber shoes.
Ibinahagi ang mga larawan ni Jefferson Bunney sa Facebook page na "Missosology."
Ang ibang natcos daw kasi ng mga kalabang kandidato ay bongga at halatang pinaghandaan.
Narito ang ilan sa mga nakalap na reaksiyon at komento ng netizens.
"Mas bongga pa yung national costumes sa local pageants kakaloka."
"Parang mag-mall lang ah."
"Basic costume mygosh talo to"
"Ang simple prang mr intrams lng"
"Ano yun? Rubber shoes? Halatang hindi lumaki sa Pilipinas..."
"Walang ka effort effort.... Sayang..."
"Buti pa yung mga municipality level na pageant... Pasabog mga nat.cos. humingi ka sana ng tulong sa kapwa mo pilipino.. Madaming magagaling na designer."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang team ni Mr. Philippines tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.