Kinabiliban ng netizens ang painting ng last shot ni “NBA Legend” Michael Jordan o kilalang “MJ” na ibinahagi ni Aslie Bondoc Yabut sa isang Facebook online community nitong Sabado, Setyembre 16.

Sa caption ng post, nakasaad ang mga sumusunod:

2nd attempt of making MJ’s Last shot

4x6 feet

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Acrylic and oil on canvas

2023

Sa eksklusibong panayam ng Balita, tinanong si Aslie kung bakit niya muling sinubukang ipinta ang last shot ni MJ sa ikalawang pagkakataon. Sabi niya, gusto raw niyang ikumpara ang kaniyang bagong likha sa nauna na niyang nilikha.

“Dahil hindi ko po ikukumpara ang sarili ko sa iba. Ikukumpara ko po ang aking sarili sa aking nakaraan upang makita ang improvements.”

Naks!

At tila malaki na rin ang naging improvement ni Aslie simula noong matuklasan niya ang kaniyang talento. Ayon sa kaniya, elementary pa lang, mahilig na raw siyang gumuhit at magkulay.

“Then high school, doon ko po natuklasan na medyo may talent po at ipinagpapatuloy ko po ito hanggang kasalukuyan.”

Ugnay naman sa inspirasyon ng painting, sinabi niya na ang mga taong sumusuporta umano sa talento niya ang nagtulak sa kaniyang ipinta iyon. Dagdag niya pa, matagal na raw siyang fan ng basketball.

“Since day one,” sabi ni Aslie.

Para naman sa mga kapuwa niya artist na nilalamon ng pagdududa sa kanilang kakayahan, nag-iwan si Aslie ng isang makabuluhang mensahe:

“Gawin lang po ‘yung gusto nila. Maniwala sa sarili dahil walang unang maniniwala sa atin kundi ang sarili lang din natin.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umani na ng mahigit 4.5k reactions at 118 shares ang nasabing painting ni Aslie sa isang Facebook online community.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!