Muli na namang ipinamalas ng mga Pilipino ang angking-husay hindi lamang sa talento kundi talino matapos manalo ang Pinoy fresh graduate na si Jeremy de Leon ng "James Dyson Award (JDA)" dahil sa kaniyang natatanging imbensyon na magagamit ng mga mag-aaral pagdating sa Science and Technology.

Ito ay tinawag niyang "Make-roscope."

Ang Make-roscope ay isang portable keychain microscope na magagamit daw ng mga mag-aaral upang makita ang microscopic world, sa pamamagitan lamang ng gadgets gaya ng smartphones at tablets.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin na isinulat ni Jessica Pag-iwayan, si Jeremy ay kaka-graduate lamang sa kursong Manufacturing Engineering mula sa Mapua University.

Bata pa lamang daw si Jeremy ay nasa isip na niya ang pagiging siyentista, subalit habang tinutupad niya ang pangarap, napagtanto raw niyang mahal ang laboratory equipment at apparatus, at kulang din ng mga kinakailangang kagamitan para dito, lalo na sa mga pampublikong paaralan.

“I really loved building things when I was a kid," aniya sa panayam sa kaniya sa mediacon.

“I wanted to become a scientist wearing those long white lab coats, mixing different chemicals, I think that looks really cool. But to find out that laboratory equipment is really expensive, that became a reality check, so I became an engineer.”

Pahayag niya sa isinagawang press conference sa kaniya, ginamit niya ang kaniyang mga nakalap na data sa research upang makabuo ng Make-roscope, isang single-lens microscope na puwedeng makapag-magnify ng isang bagay nang 125 hanggang 400 times kapag sinipat ito sa smartphones.

Gawa raw ito sa food-grade silicone at waterproof.

“Usually, in a school laboratory, a microscope is shared by around 10 students. With Make-roscope, it's possible to have one for each student,” aniya.

“The child has the freedom to explore and to be curious both inside and outside the classroom.”

Ang nabanggit na imbensyon ay suportado ng Department of Science and Technology o DOST at iba pang pribadong kompanya.

Sa ngayon daw ay 3,000 mga guro at mag-aaral na ang gumagamit nito. Nakapagsagawa na rin sila ng donation sa ilang mga paaralan upang magamit ito.

“Alam ko po hindi lang sa Pilipinas may mga mahihirap na students, schools [are] lacking with equipment so we will try to reach to them, we will not limit it to us. We want to extend our vision to other parts of the world,” saad ni Jeremy sa panayam ng Manila Bulletin Lifestyle.

Matapos umani ng positibo at magagandang feedback mula sa mga nauna nang nakagamit na mga guro at mag-aaral, binabalak ni de Leon na magtayo ng start-up company para dito.

Congratulations, Jeremy!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!