Dalawang Pinoy at dalawang Indonesian ang inaresto matapos maharang ng Philippine Navy (PN) ang sinasakyang bangkang karga ang halos ₱12 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa karagatang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental kamakailan.

Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng dalawang Pinoy at dalawang Indonesian.

Sa paunang report ng PN, naharang ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM), sakay ng BRP Artemio Ricarte (PS37) ang Indonesian motorized watercraft KM PEJUANG DEVISA 2, lulan ang mga puslit na sigarilyo malapit sa Balut Island nitong Setyembre 14.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Nasa 296 kahon ng illegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱11,840,000 ang nakumpiska ng NFEM at dinampot din ang apat na sakay ng naturang sasakyang-pandagat.

Inihahanda na ang kaso laban sa apat na naaresto, dagdag pa ng PN.