Tinutukan ng libo-libong “Anchors” o fans ng global pop group na HORI7ON ang panayam nito kasama si DJ Jhai Ho sa radio show na “Bongga Ka Jhai,” Linggo, Setyembre 17, 2023.

Sa naturang programa, sumalang sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda sa mas detalyadong serye ng mga tanong, na siya namang game na game na sinagot ng bawat miyembro. Kapansin-pansin din ang pagiging komportable nila sa paglalahad ng kanilang journey mula sa kanilang audition sa idol survival show na “Dream Maker” hanggang sa kanilang pagiging ganap na global idols.

Sa social media app na X, pumangatlo sa top trending topics ang hashtag na #BonggaKaJhaiHORI7ON630, kasabay ng buhos ng papuri sa tila magandang chemistry ng grupo sa kanilang Mama Jhai. Matatandaang main host si DJ Jhai Ho ng “Dream Maker: Pause and Play” kung saan una niyang nakilala ang mga miyembro ng HORI7ON.

Photo courtesy: X

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa eksklusibong panayam naman ng Balita kay DJ Jhai Ho, sinabi nitong masaya siya na marami ang natuwa sa kanyang interview kasama ang HORI7ON.

“Masaya. Pinaghandaan ko kasi talaga ‘to. Nag-research ako at nanood ng mga past interview nila mula nung bumalik sila here sa Pinas. Gusto ko brand new experience para sa kanilang lahat na “Anchors” na manonood at makikinig sa show,” aniya.

Idinetalye naman ni DJ Jhai Ho ang ang naging preparasyon niya sa sinasabing “best interview” ng HORI7ON.

“Gusto ko first and exclusive ang marinig at mapanood, so minake sure ko na ganun ‘yung magiging ganap sa program. Pina-approve pa since kahapon lahat ng tanong. May anim na tanong na pinatanggal ng Korean management pero naitawid ko naman. Sumunod sa gusto nila, pero still bongga pa rin ang tanungan and nakaka-happy na very comfortable yung boys,” lahad ng radio host.

View this post on Instagram

A post shared by JhaiHo (@mor1019jhaiho)

Samantala, matapos ang kanyang programa, ibinahagi ni DJ Jhai Ho ang mga larawan niya kasama ang HORI7ON, kasama pa ang isang video kung saan makikitang binigyan siya ng grupo ng signed album ng kanyang mga anak-anakan.

Mapakikinggan sa ere ang “Bongga Ka Jhai” tuwing Linggo, 12:00NN to 1:30PM sa DWPM Radyo 630, na mapapanood sa YouTube channel nito.