Inamin ng Kapuso star na si Dennis Trillo na pagdating sa relasyon nila ng misis na si Jennylyn Mercado ay talagang siya na mismo ang umiiwas sa tukso.

Iyan ang rebelasyon ng "Love Before Sunrise" lead actor sa panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, Setyembre 15.

Aniya, “Mahirap magkalamat ‘yong tiwala ng isang tao, lalo na matagal mo siyang pinag-ingatan, kaya hindi ko na iniisip na magloko or ma-tempt man lang. Ako na mismo ang lumalayo talaga."

Paliwanag ng aktor, bilang tao ay hindi naman maiiwasang humanga o ma-attract pa sa iba. Subalit pinanghahawakan ni Dennis ang tiwala sa kaniya ni Jen, gayundin ang pagmamahal at pangako niya rito nang pakasalan niya ito noong Nobyembre 2021.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Take note na noong unang naging sila ay nagkahiwalay sila dahil sa "immaturity."

Nabuo ang unang relasyon nila ni Jen nang magsama sa seryeng "Gumapang Ka sa Lusak" noong 2010.

Makalipas daw ang ilang taon, muli silang nagkaroon ng ugnayan, na nagkataon namang pareho silang single that time.

Hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga raw ito.

Kaya masasabi ni Dennis, ang naging relasyon nila ni Jennylyn ay masasabing "sweeter the second time around." Alam daw niya sa sarili niyang hindi niya sasaktan ang misis lalo't ayaw niyang masira ang tiwala nito sa kaniya.