Nakapiit na ngayon ang isang Chinese at isa pang kasabwat nito sa pag-o-operate umano ng prostitution syndicate sa Parañaque City nitong Sabado.

Ang dalawang suspek ay nakilala na sina Xiao Ji, at Arlene Lapurga Geron, 48.

Idinahilan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez, naaresto ang dalawa sa bisa ng search warrant sa SoleMare Parksuites, Barangay Tambo nitong Setyembre 16.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Nakatakas sa pagsalakay ang isa ring Chinese na nakilalang si Lin Wei.

Nasagip sa operasyon ng pulisya sa lugar ang pitong babaeng Chinese at isang Pinay.

Dinadala aniya ang mga biktima sa mga high-end hotel, casino at club sa Parañaque.

Nakumpiska ng pulisya ang ilang baril, laptop at pera ng mga suspek.

Ang mga suspek ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

PNA