Isang ganap na Pilipino na ang kilalang Canadian vlogger na si Kyle Jennermann o kilala sa tawag na "Kulas."

Ibinahagi mismo ni Kulas sa kaniyang Facebook posts ang kaniyang oath taking, para sa kaniyang naturalization bilang Pilipino.

"Six hours ago… I became a Filipino Citizen," saad ni Kulas sa kaniyang caption noong Setyembre 13.

Eleksyon

Isko Moreno, Chi Atienza usap-usapang suportado ng Iglesia Ni Cristo

Makikita sa kaniyang FB post ang mga kuhang larawan mula sa kaniyang panunumpa.

Ang kaniyang isinuot na bamboo fabric barong ay gawa ng Filipino designer na si Francis Libiran.

Malaki ang pasasalamat ni Kulas sa lahat ng mga Pilipinong sumusuporta sa kaniyang vlog na "Becoming Filipino."

"Someone asked me today: 'Who would you like to thank?' The answer is simple… EVERYONE. Everyone who has been a part of this journey from the beginning… and it is just getting started," saad ng vlogger.

Ang naturalization ni Kulas ay batay sa House Bill 1764 na inihain ni Biñan City Rep. Marlyn Alonte.

“Naniniwala tayong ang panukalang batas na ito ay hindi lamang para sa kapakanan ni Kulas kung 'di ito ay magbibigay daan sa mas malalim at malawak na pagkilala sa angking talino at galing ng lahing Filipino,” saad ni Alonte sa panayam at ulat ng ABS-CBN News.

Dagdag pa niya, “Stuck with this belief, 'Kulas,' which is the nickname that Jennermann was given several years ago by one of the manongs whom he met in one of his travels, lived with a purpose: introduce the Philippine to the rest of the world through the internet with his vlogs."