Napa-wow ang mga netizen sa alindog ng bagong kasal na si Mrs. Lovi Poe-Blencowe matapos niyang "magpainit" habang nasa isang beach.

Literal na nagpainit ng katawan si Lovi dahil habang nasa dalampasigan ay may hawak siyang mug, na tila nagkakape siya habang nakabilad sa araw.

"I call this, Café del Mar 🌊☕️♥️," caption ni Lovi sa kaniyang Instagram post kalakip ang kaniyang mga larawan habang naka-posing sa dalampasigan.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Batay sa iba pang IG posts ni Lovi ay mahihinuhang nasa shooting siya.

"Set life ♥️," aniya.

"It’s just more fun shooting on location with these angels right here, the beach views, and of course, the Filipino breakfast… Rice is life LOL 😂"

Ipinakita rin ni Lovi ang sunburn sa kaniyang kamay dahil sa kaka-beach niya.

Patuloy na mapapanood si Lovi sa hit teleseryeng "FPJ's Batang Quiapo" bilang si Mokang/Monique kaya hindi totoo ang mga kumalat na tsikang tsutsugihin na umano siya rito at titira na siya nang tuluyan sa ibang bansa upang makasama ang kaniyang mister.