Hindi naiwasang ikumpara ni “Abot-kamay na Pangarap” primera kontrabida Pinky Amador sa totoong buhay ang karakter niyang si “Moira Tanyag” sa naging panayam sa kaniya ni broadcast-journalist Karen Davila nitong Huwebes, Setyembre 14.

Tinanong kasi siya ni Karen kung may mga pagkakataon bang dinadagdagan niya ang pagiging brutal ni Moira sa eksena.

“Sa karakter ni Moira, how far did you take it? Did you say gusto ko dapat, ano siya, manapak din siya, manabunot siya? Ikaw ba nag-add n’on?” tanong ni Karen.

“No. In fact, they always telling me, Ms. Pinky, kailangan mas mataray pa,” sagot naman ni Pinky.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Kaya naman, hindi nakakapagtakang halimaw na kung tingnan ni Pinky ang karakter na ginagampan niya sa patok na medical drama series ng GMA Network na “Abot-kamay na Pangarap” na nagsimulang umere sa telebisyon noong Setyembre 2022.

“Sa totoong buhay, you don’t hate forever, di ba? Everybody gets angry. Everybody gets to their limits. But after a while, you cool down, you relax, you laugh….E, si Moira, talagang parang halimaw na. Hindi ata tao, halimaw na ata siya.”

Matatandaan na maraming nadismayang Kapuso viewers noong Mayo dahil sa isang eksena ng pagpapalayas ni Moira sa ginagampanang karakter ni Dina Bonnevie na si Giselle.

MAKI-BALITA: ‘Dear GMA!’ Kapuso viewers nanawagan sa direktor, writers ng ‘Abot Kamay na Pangarap’

&pp=ygUSa2FyZW4gZGF2aWxhIHBpbmt5