Muling finlex ni “Silent Superstar” Jodi Sta. Maria ang pet cat niyang si Naia nitong Huwebes, Setyembre 14, sa kaniyang “X” account.

Makikita sa picture na ibinahagi ng aktres na wala nang nakalagay na e collar sa leeg ng pusa. Tila naka-recover na dahil nagagawa nang um-attitude.

“Boss Naia with a cat-titude 👍🏻🤣 Caption this 👇🏼” saad ni Jodi sa caption ng kaniyang X post.

Pumatol naman ang mga netizen sa challenge ni Jodi:

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

“Chinitong Naia with an Cat-titude 😸”

“"Feed me, hooman! 😂"

"Naia sturbo naman si mommy antok pa ako eh🤣"

"Ma, makuha ka sa tingin"🤣 ang pogi ni Boss Naia!😍"

"'Picture ng picture, inaantok ako eh' HAHAHAHA pogi Naiaaaa😘😘😘"

"Watchu lookin’ at??????"

“Behave or else… 😅”

Matatandaang ibinahagi kamakailan ni Jodi ang larawan ni Naia matapos nitong sumailalim sa surgery.

MAKI-BALITA: Pet cat ni Jodi, nakaka-recover na sa surgery

MAKI-BALITA: Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang kalagayan ngayon ng kuting na napulot sa NAIA

Ang nasabing pusa ay napulot ng aktress sa airport noong Enero kaya ito pinangalanang “Naia”.