Hindi na makikita sa Facebook account ni Neri Naig-Miranda ang kontrobersiyal niyang ₱1k weekly meal plan na umani ng katakot-takot na pintas mula sa mga netizen dahil hindi raw makatotohanan at para sa mga nakakaangat-angat lang daw sa buhay.

Sa isang Facebook post kamakailan, ibinahagi ni Neri ang kaniyang sample weekly plan. Mababasa sa caption, "“Para sa mga nanay na mamamalengke bukas pagkatapos ihatid ang mga bata sa school, eto na, pakiprint na po eto, kumpleto pati palengke list."

“Nagtry akong magbudget ng P1,000 for a week. Kung may sukli pa yan, pwede pangdagdag merienda o baon ng mga bata,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: ₱1K weekly meal plan ni Neri Miranda, hindi ‘wais’ sey ng netizens

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ngunit hayun na nga at tila hindi ito nagustuhan ng karamihan sa mga netizen, lalo na ang mga damang-dama raw ang hirap ng buhay ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin.

Depensa naman ni Neri, sample lang naman ito, at kaya nabudget niya ang ₱1k ay dahil may bakuran sila at nagtatanim siya ng mga gulay. Kumbaga, pitas-pitas na lang. Hinikayat niya ang mga netizen na magtanim na rin sa bakuran nila.

Ngunit panibagong buwelta naman ng mga netizen, hindi lahat ay may kakayahang magtanim, dahil ang iba ay nakatira sa mga bahay na walang extrang lote. Karamihan naman ay abala sa pagbabanat ng buto kaya walang sapat na oras magtanim.

To the rescue naman ang kaniyang mister na si Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda, at isa sa coaches ng "The Voice Generations" na umeere sa GMA Network.

MAKI-BALITA: Chito Miranda, sinagot ang mga basher ni Neri

Habang isinusulat ang balitang ito as of September 16, tila burado na ang nabanggit na meal plan.

Photo courtesy: Neri Naig-Miranda's FB