MMDA, nakiisa sa International Coastal Clean-up Day

(MMDA/FB)
MMDA, nakiisa sa International Coastal Clean-up Day
Bilang bahagi ng pangakong linisin ang kapaligiran, nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa International Coastal Clean-up (ICC) sa Manila Bay Dolomite Beach nitong Sabado, Setyembre 16.
Sa pangunguna ni MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana, nagsanib-pwersa ang mga volunteer at kawani ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa pangongolekta ng basura sa dolomite beach.
Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang naturang aktibidad na sinuportahan naman ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard (PCG), at Pasay government.
Nakibahagi rin sa clean-up operation sina MMDA Assistant General Manager for Operations Assistant Secretary David Angelo Vargas at Victor Pablo Trinidad, Officer-in-Charge ng MMDA Assistant General Manager for Planning.
Ang ICC ay isinasagawa tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre.