Nakaamba na namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang kinumpirma ni Rino Abad, director ng Oil Management Bureau ng Department of Energy (DOE).'

Sa nakikita aniyang inidikasyon, nasa ₱2 ang posibleng pagtaas sa presyo ng kada litro ng petrolyo.

"Base sa impact nitong September billing, dalawang main factors nitong fuel cost at saka 'yung pera natin bumaba compared to the US dollars. 'Yung mga generators naman natin, most of them, 'yung pinagkukunan natin ng suplay, most of them 'yung operating expenses nila ay dollar denominated, so 'pag humina 'yung pera natin, tataas 'yung kanilang presyo," ani Abad.

Sinabi ni Abad, patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa pagbabawas ng produksyon ng oil producing countries, partikular na ang Russia at Saudi Arabia. 

Aniya, kapag hindi ito magbabago, inaasahang magtuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo hanggang Disyembre.