Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Agusan del Sur nitong Sabado ng gabi, Setyembre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 11:04 ng gabi.
Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Rosario, Agusan del Sur, na may lalim na 11 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.