Tila gigil na gigil si Rendon Labador na mag-public apology si Vice Ganda hinggil sa kinahaharap na 12 airing days suspension ng “It’s Showtime.”
Lumabas kasi ang balitang puwedeng makatulong ang simpleng paghingi ng tawad sa publiko nina Vice Ganda at Ion Perez hinggil sa kinahaharap na 12 airing days suspension ng programa, ayon mismo kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto.
Maki-Balita: Sorry nina Vice Ganda, Ion puwedeng ‘makatulong’ sa suspensyon ng It’s Showtime
Sa Instagram story ni Rendon, sunod-sunod ang mga utos niya kay Vice na mag-public apology.
Maki-Balita: Rendon inuutusan si Vice Ganda na mag-public apology
“Ipakita mo sa mga taga suporta mo na karapat-dapat ka sa suporta nila. Mag-PUBLIC APOLOGY ka na para makuha mo ang respeto ko. Madami kang taga suporta na mahina ang utak, tulungan natin sila,” saad ng social media personality kay Vice.
“Gusto kong ipamuka mo sa tao ang maling ginawa mo para maitama natin ang mga mali. Aantayin ko ang statement mo.
“MAG-SORRY KA NA.”
Matatandaang nagsagawa ng public apology ang “E.A.T.” host na si Wally Bayola matapos makatanggap ng notice ang programa dahil sa nasambit niyang malutong na mura, habang nasa “Sugod Bahay” segment.
MAKI-BALITA: Wally Bayola, nag-public apology hinggil sa pagmumura niya sa national TV
Subalit sa kaso ng It’s Showtime, nanindigan ang pamunuan ng programa at ABS-CBN na walang anumang paglabag sa batas na nagawa ang hosts kaya aapela pa sila sa suspensyong ipinataw rito. Habang isinusulat ang artikulong ito, tumatakbo na rin ang araw mula sa 15 days na ibinigay sa kanila upang magpasa ng motion for reconsideration.
MAKI-BALITA: It’s Showtime aapela pa sa desisyon ng MTRCB
Sa kabilang banda, hindi rin nagbigay ng public apology si Vice Ganda para sa MTRCB o sa mga manonood. Paminsan pa nga ay naisasama pa niya ito sa mga pabirong hirit niya.
MAKI-BALITA: Vice Ganda humirit pa rin ng biro sa kabila ng suspension ng MTRCB