Tahasang inuutusan ng social media personality na si Rendon Labador ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na mag-public apology.

Nangyari ang pang-uutos na ito matapos lumabas ang balitang puwedeng makatulong ang simpleng paghingi ng tawad sa publiko nina Vice Ganda at Ion Perez hinggil sa kinahaharap na 12 airing days suspension ng programa, ayon mismo kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto.

Sorry nina Vice Ganda, Ion puwedeng 'makatulong' sa suspensyon ng It's Showtime

Maki-Balita: Sorry nina Vice Ganda, Ion puwedeng ‘makatulong’ sa suspensyon ng It’s Showtime

Sa Instagram post ni Rendon nitong Huwebes, inistory niya ang artikulo ng Balita hinggil sa pagso-sorry nina Vice at Ion.

“Nung umpisa pa lang na sinita ko yan, inutusan ko nang mag-PUBLIC APOLOGY si Vice. Tingnan natin kung hanggang saan ang pride ni Vice,” aniya.

Sa sumunod na IG story, may tirada pa ulit si Rendon.

“Tandaan mo Vice na hanggang pangalawa lang ako magpaalala. Kaya magdesisyon ka na habang may pag-asa ka pa,” aniya.

“Vice Ganda, inuutusan kitang mag-public apology para sa ikabubuti ng Pilipinas,” dagdag pa niya.

Sa sumunod pang IG story, inuutusan niyang mag-public apology si Vice para makuha ang respeto niya.

“Ipakita mo sa mga taga suporta mo na karapat-dapat ka sa suporta nila. Mag-PUBLIC APOLOGY ka na para makuha mo ang respeto ko. Madami kang taga suporta na mahina ang utak, tulungan natin sila,” saad ng social media personality.

“Gusto kong ipamuka mo sa tao ang maling ginawa mo para maitama natin ang mga mali. Aantayin ko ang statement mo.

“MAG SORRY KA NA.”

Habang isinusulat ito wala pang pahayag si Vice Ganda tungkol sa utos na ito ni Rendon.