Nilinaw ng drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, na wala pa umano siyang nakukuhang abiso hinggil sa isinampang kaso ng mga miyembro ng Hijos Del Nazareno (HDN) – Central kaugnay ng kaniyang "Ama Namin" drag performance.
Sinabi ito ni Pura matapos niyang hindi makarating, sa pangalawang pagkakataon, sa pagdinig ng preliminary investigation sa Manila prosector's office nitong Biyernes, Setyembre 15, para sa mga kasong inihain ng HDN.
“I am still not in receipt of any notice regarding an alleged criminal case filed in Manila against me,” paglilinaw ni Pura sa platapormang X nito ring Biyernes.
Ayon pa sa drag queen, ang dinadaluhan daw niyang pagdinig sa nakalipas na dalawang linggo ay ang preliminary investigations sa Quezon City para sa tatlo pang criminal complaints laban sa kaniya.
“I attended again today, in drag, as I have done all the other times I have appeared before the prosecutors,” ani Pura.
“I have conferred with my volunteer lawyers as to the steps I need to take to also face the alleged charges in Manila.”
Sa nasabing post ay pinasalamatan din ng drag queen ang lahat umano ng kaniya volunteers at supporters, lalo na ang kaniyang pamilya na sinasamahan siya sa gitna ng pagsubok na kihaharap.
“You are the source of my strength and my hope,” saad ni Pura.
“We will continue to fight for the freedom of expression, for understanding, and for true inclusion while looking forward to having a dialogue with the complainants,” dagdag pa niya.
Bukod naman sa kinahaharap na mga kaso, mahigit 20 mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura kaugnay pa rin ng nasabing Ama Namin drag performance.
https://balita.net.ph/2023/08/24/mga-lugar-na-nagdeklara-ng-persona-non-grata-laban-kay-pura-luka-vega/