Nananatiling “optimistic” ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, sa gitna ng kaniyang mga isyung kinahaharap matapos ang kontrobersyal na Ama Namin drag performance.
“Laban lang. ,” paunang saad ni Pura sa kaniyang Facebook post kalakip ang ilan niyang mga larawan sa Hall of Justice sa Quezon City.
“When people ask for pictures, I entertain them. Masaya makinig at makipagkwentuhan sa mga tao para magkaunawaan. I attend in drag to normalize the art of drag in public spaces as well as educate and share queer experiences and practices,” saad pa niya.
Inihayag din ng drag queen ang kaniyang appreciation sa prosecutor na nagtanong umano ng kaniyang pronouns.
“I am also very pleased that the prosecutor has asked for my pronouns.,” saad ni Pura.
“Amidst all the challenges, I remind myself to be kind. ‘Try to be a rainbow in someone’s cloud.’ - Maya Angelou,” dagdag niya.
Matatandaang nanawagan kamakailan ng tulong pinansiyal ang drag queen para umano sa mga gagastusin nila sa korte ngayong Setyembre.
MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, humingi ng tulong pinansiyal para sa gagastusin sa korte
Kasalukuyang nahaharap si Pura sa ilang mga kasong isinampa ng mga deboto ng Itim na Nazareno at ilang religious leaders dahil sa kaniyang kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance.
MAKI-BALITA: Mga deboto ng Itim na Nazareno, nagsampa ng kaso vs Pura Luka Vega
MAKI-BALITA: Pura Luka Vega kinasuhan dahil sa ‘Ama Namin’
Bukod dito, mahigit 20 mga lugar sa bansa na ang nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura, kabilang na rito ang Lungsod ng Maynila.
MAKI-BALITA: Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega