Idinaing ng Kapuso comedy star-TV host sa kaniyang Instagram account noong Miyerkules, Setyembre 13, ang hirap na pinagdadaanan niya bilang single mom.

Mapapanood sa video na ibinahagi ni Pokwang ang eksena ng pagbaba ng anak niya mula sa sasakyan.

“Ang hirap maging single mom lalo na sa panahon ngayon, ako lahat! gastusin, oras sa bata, emosyon, ako lahat! tapos nag failed ang relasyon ako parin ang nasisisi?? bitter ka! move on kana!” saad ni Pokwang sa caption ng kaniyang post.

Sa sumunod naman niyang sinabi, tila may pinasasaringan ito:

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“Maging nanay ka muna bago mo i invalidate ang nararamdaman ng isang kagaya ko wag kang makasawsaw lang! hindi mo alam ang iyak ko sa gabi kapg nagiisa nalang ako, hindi mo naririnig mga dasal ko dahil hindi ka Dios.”

Matatandaang kamakailan lang din ay nagbahagi si Pokwang ng isang video tungkol sa mga “iresponsableng husband.”

Nagpahayag naman ng suporta at parehong karanasan ang mga netizen kay Pokwang:

“ang kakapal ng mukha ng mga tatay na di marunong sumuporta sa kanilang mga anak..i feel you kasi single mom din ako.”

“True mamang! Pabalikin na dito yan! Stay strong!”

“I feel you, ako din for 6 years. All is good. The harder it gets the stronger you'll be. Everything will work out basta take good care of your daughter like you always do.”

“True . People give shitty advice nowadays 😢 You did a great Job 👏😊 Godbless!”

"I feel you @itspokwang27 .pero kakayanin natin with gods help🙌🙌"

"all the love pokie.ang ganda ni malia at sweet. reward mo yan. basta mapagmahal ang mga anak ..masarap sa pakiramdam"