Nagdalamhati ang komedyanteng si Kiray Celis sa kaniyang Instgram account nitong Huwebes, Setyembre 14, sa pagpanaw ng kaniyang sister-in-law.

“Jhen.. habang nagiisip ako ng caption sa picture natin, kulang nalang maglupasay ako dito sa taping. Ang hirap pala magtrabaho pag nawalan ka ng isang taong mahal mo,” saad ni Kiray sa caption ng kaniyang post.

At dahil may mga anak na naiwan, siniguro ni Kiray ang magiging kapakanan at kinabukasan ng mga ito.

“Ako na bahala sa mga anak mo. Pangako mas gagalingan at pagiigihan ko pa lahat ng work ko dahil sa mga pamangkin ko. Wag ka magalala, simula ngayon ako na tatayong Mama nila. Pahinga kana jhen. :( Mahal na mahal kita sobra sobra sobra! Mamimiss kita ng sobra sobra.

Kiray hindi stress sa partner: 'Hindi na kailangang bantayan!'

Sa huli, humingi siya ng panalangin para sa kanilang mga naulila ng kaniyang sister-in-law.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang netizens sa komedyante:

“im sorry for you loss..Condolences to you and your family”

“Condolence po 🥺”

“Condolence Kiray 🙏🙏”

“Deepest Condolence🙏🙏🙏”

“What happened mami kiray? 😢 Prayers and condolences po.”

Samantala, wala namang nabanggit na detalye tungkol sa sanhi ng pagkamatay nito.

Matatandaang kamakailan lang ay masaya pa si Kiray sa kaniyang post kasama ang boyfriend niya.