Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:44 ng gabi.
Namataan ang epicenter nito 340 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental na may lalim na 106 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.