Nasa 62.64% o 555 sa 886 examinees ang pumasa sa September 2023 Librarian Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Setyembre 15.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Zamylle Ross Belaro Celso mula sa University of the East – Manila bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 88.85% score.

Hinirang naman bilang top performing school ang University of the Philippines – Diliman matapos itong makakuha ng 100% passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Setyembre 11 hanggang 12 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3