Calamba City, Laguna — Patay ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan nang tambangan sila ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa National Highway, Barangay Pansol nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 14.

Kinilala ang namatay na biktima na si Jerome Timoteo, residente ng Tutuban, Maynila at ang mga sugatan na sina Ken Arvie Libardo, 33, residente ng Sanggang Daan, Caloocan City, at Dayline Taclay, residente ng Tondo, Maynila.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bukod sa kanila, may dalawa pa silang kasamang hindi nasaktan na sina Kasmir Cudiamat, 32, residente ng Commonwealth, Quezon City, at Johnsen Carsa Cruz, 23, residente ng Tondo, Maynila, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng Sports Utility Vehicle (SUV) Hyundai Santa Fe na kulay itim na may plate number PQY 665 ang mga biktima, at huminto para bumili ng pagkain sa convenience store bandang 11:48 ng gabi.

Ang mga suspek, na sakay sa Suzuki Swift kulay gray silver, ay bumaba sa kanilang sasakyan at nilapitan ang mga biktima at biglang pinagbabaril ang mga ito na ikinasawi ni Timoteo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek at ngayon ay isinailalim na sa follow up operation at imbestigasyon ng pulisya.

Ang mga imbestigador ay nasa proseso ng backtrackng ng CCTV footage para sa posibleng pagkakakilanlan ng tumakas na mga suspek, habang ang pagsasagawa ng dragnet operation ay patuloy pa rin sa mga katabing lungsod at bayan sa Laguna.