Ipinasilip ng TV host at actress na si Mariel Rodriguez-Padilla ang ilang mga tagpo sa naging pagdiriwang ng ika-66 kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkules, Setyembre 13.

Sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 14, ibinahagi ni Mariel ang mga larawan ng kaniyang naging pagdalo sa birthday celebration ni Marcos sa Malacañang kasama ang kaniyang asawang si Senador Robinhood “Robin” Padilla.

Makikita rin sa naturang mga larawan ang ilang mga opisyal sa pamahalaan at ang pamilya ng Pangulo, tulad ng kaniyang asawang si First Lady Liza Araneta Marcos, inang si Imelda Marcos, anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, at kapatid na si Senador Imee Marcos.

Courtesy: Mariel Padilla/IG

Dawn Zulueta kay PBBM: ‘Thank you for your tireless work’

Courtesy: Mariel Padilla/IG

Sa naturang post ay nagbigay naman ng mensahe si Mariel para sa Pangulo.

“Happiest birthday Mr.President 🎂 we wish you good health. 🙏🏼,” ani Mariel.

“[I]t was such a nice and intimate celebration. Thank you so much to our first lady @lizamarcos 💕,” dagdag pa niya.

Matatandaan namang nito ring Miyerkules nang magtungo si Marcos sa Singapore para sa kaniya umanong “working visit” sa naturang bansa.

Nakatakda namang bumalik ng Pilipinas ang Pangulo sa darating na Linggo, Setyembre 17, ayon sa Presidential Communications Office.