Itinanggi ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Diorella “Lala” Sotto-Antonio na inimpluwensyahan nito ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) sa pagsasampa ng kaso laban sa “It’s Showtime” hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez.
Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Setyembre 13, unang ipinaliwanag ni Sotto ang tungkol sa larawan na kumakalat sa social media kung saan makikita ang pakikipagpulong niya sa mga miyermbro ng KSMBPI.
“These photos were taken during a courtesy call by the Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) at the MTRCB Office on August 24, 2023,” paliwanag ni Sotto.
“The purpose of this visit was to express their support for our efforts in monitoring film and TV broadcasts, recognizing that the MTRCB operates as a small agency with limited manpower. Thus, the MTRCB welcomes their expression of support on ensuring responsible and quality content in the entertainment industry in line with our mandates under PD 1986,” saad pa niya.
Ayon pa kay Sotto, wala raw talagang kinalaman ang MTRCB sa naging pagsasampa ng kaso ng KSMBPI laban kina Vice at Ion kaugnay ng isyu ng pagkain ng mga ito ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata.”
“As stated by the KSMBPI, its decision to file a case was never triggered nor influenced in any way by the MTRCB’,” ani Sotto.
“We urge everyone not to interpret these photos with any malicious intent,” saad pa niya.
Matatandaang kamakailan lamang ay naghain ang MTRCB ng 12 airing days suspension laban sa It’s Showtime dahil sa naturang isyu ng pagkain ng icing ng cake ng dalawang hosts sa segment na “Isip Bata.”
https://balita.net.ph/2023/09/04/its-showtime-sinuspinde-ng-12-airing-days-ng-mtrcb/