Proud na ibinahagi ng broadcast journalist na si Karen Davila na nakapasok ang anak niyang si David, na-diagnose ng autism, sa University of the Philippines - Diliman bilang isang college student.
Sa kaniyang Instagram post, nagbahagi si Karen ng ilang mga larawan ni David sa unang araw nito sa UP.
“PROUD OF YOU DAVID 🇵🇭 Wow! This day!! David, now a freshman at the UP College of Fine Arts for the Associate in Arts undergraduate program,” saad ng mamamahayag sa nasabing post.
Kuwento ni Karen, kumuha si David ng “talent determination test” kasama ang daan-daang mga estudyante sa UP Diliman campus noong Mayo 2023. Hindi raw niya nasamahan ang kaniyang anak noong mga sandaling iyon dahil hindi pinapayagan ang mga magulang sa naturang testing.
Nito lamang daw Hunyo 2023 nang matanggap nila ang isang liham na nagsasabing nakapasa si David at isa na ngang ganap na freshman ng UP.
“My heart was bursting with joy,” ani Karen.
“Preparing a child in the autism spectrum for college takes a lot of support & planning. Thank so much to my alma mater - UP DILIMAN, the officials of UPCFA for choosing INCLUSIVITY,” dagdag pa niya.
Sa ngayon ay sinasamahan daw si David ng kaniyang mga guro mula sa Vanguard Academy upang tulungan siyang makapag-adjust sa kaniyang mga klase at sa college life, bagay na ipinagpapasalamat naman ng broadcast journalist.
“It is true, ‘It takes a village to raise a child’ Even more so, a child with special needs. Thank you teachers, David is in college because of all of you. I hope this serves as an inspiration to my co-parents out there,” ani Karen.
“David, you continue to defy limitations & expectations. You are God’s miracle. Thank you Lord Jesus for David 🙏🏻 Thank you for your faithfulness & love,” saad pa niya.