Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City, Cagayan — Natagpuan ng pulisya ang imbakan ng mga armas at pampasabog na pagmamay-ari umano ng mga terrorist group sa isinagawang operasyon sa Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.
Sa ulat nitong Huwebes, narekober ang dalawang generator, limang piraso ng rifle na bomba, dalawang piraso ng blasting cap, anim na piraso ng CTG, 40mm, HEDP M433, 98 inches ng commercial detonating cord, 236 inches ng stranded wire (#22), 139 inches ng stranded wire (#14) na kulay dilaw, tatlong piraso ng battery (9 volts), apat na piraso ng Christmas bulbs, at iba pang uri ng gamot.
Naging matagumpay ang nasabing operasyon sa tulong ng daalwang dating miyembro ng terrorist group na sina alyas “Renz” at alyas “Fernando.”
Ang mga nakumpiskang kagamitan ay nasa kustodiya na ng Provincial Explosive and Canine Unit (PECU) Cagayan.