Inaasahang magdudulot ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Setyembre 14, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, maaaring magkaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Pangasinan, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at BARMM bunsod ng habagat.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama'y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, may tiyansang makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa habagat o localized thunderstorms.

National

VP Sara, iginiit na walang ginagawa si PBBM para sa bayan kaya walang masabi si Usec. Castro

Posible rin umano ang pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Samantala, ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa layong 395 kilometro sa East Northeast ng Itbayat, Batanes.

Wala umanong direktang epekto ang LPA, at inaasahang malulusaw na rin ito sa loob ng 24 hanggang 48 oras.