Usap-usapan sa social media ang umano’y ₱1000 weekly meal plan ng negosyante at ‘Wais na Misis’ na si Neri Miranda.

Sa isang Facebook post kamakailan, ibinahagi ni Neri ang kaniyang sample weekly plan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Para sa mga nanay na mamamalengke bukas pagkatapos ihatid ang mga bata sa school, eto na, pakiprint na po eto, kumpleto pati palengke list,” batid niya sa caption ng post.

“Nagtry akong magbudget ng P1,000 for a week. Kung may sukli pa yan, pwede pangdagdag merienda o baon ng mga bata,” dagdag pa niya.

Makikita sa weekly meal plan ng asawa ni Chito Miranda ang mga pagkain na puwedeng ihain tuwing almusal at tanghalian, pero pagdating sa hapunan ay may nakalagay lamang na “leftovers” o tirang pagkain.

Kasama rin sa ibinahagi ni Neri ang “palengke list” niya kung saan makikita ang listahan ng mga produktong puwedeng bilhin.

Sa comment section ng naturang post, makikita ang mga reaksyon ng netizens. Anila, hindi raw makatotohanan ito.

“Rich people making a content about the situation of the poor.”

“Breakdown please. And share the market where you bought your groceries.”

“This is the malungkot and deprived Neri's meal plan lols! Kahit anong tumbling ko, hindi uubra ang 1k challenge for 1 week!”

“Maging realistic sana tayo ano po. Dapat po meron din sa dinner lets see kung kasya padin 1k mo. Hindj po kase lahat may leftover. And sana po pakilagay kung meal for how many person. Yun lang po.”

“hindi makatotohanan... pagnamalengke ako for one week, 3 lang kami, magasawa at 1 kid, nauubos yung 1,500 ko pero kulang p din, tipid na tipid pa yun“

“Ang tanong? Good for ilan person yan neri?”

“Parang sa protein lang kulang n po yung 1k at maliwanag pa sa sikat ng araw good for 1 1/2 day lang Yan Kung sasamahan ng bili ng rice”

“Sang pilipinas kpo nakatira neri “

“Very realistic! Leftover sa dinner...sakto kasi light meals dapat sa gabi, matutulog na kasi. Paano kung walang leftover? tulog nalang.”

“Pang 1person LNG po yan madam Neri. kung 5-8 person kau sa bahay 1k po baka 2 days lang hahahha kung ung meal mo 1 week itlog lang taz bigas bka kapanipaniwala pa na 1week 1k ang gastos kamatis palang ngaun 9pesos isang piraso”

“Saan po kayo namamalengke Ms.Neri para mapagkasya ko po ang 1k”

“asan ung bigas dyan neri? dapat kasama un sa 1k budget”

“maipilit lang yung wais no”

“Okay ka lang, Neri? Pang-ilang tao tong meal plan mo? Maipilit lang na wais ka? Sorry, but this is unrealistic specially if you are living in the city..”

“dpat nilabas din yung costing and recipe! wag puro name lang para alam din namin pano pagkakasyahin”

“Isang kilong baboy palang plus sahugan mo ng gulay na pansigang at 1 kilong bigas yung 1k mo barya nalang ang sukli”

“Kung walang leftovers tubig tubig nalang Sa gabi or tulog nalang ganern. naol talaga Sa 1k na madaming napamili hahaha”

Habang isinusulat ito, umabot na sa 10K reactions, 3.5K comments, at 5.6K shares ang post ni Neri. Wala rin siyang pahayag hinggil sa mga komentong nakuha ng kaniyang weekly meal plan.