Isinusulong na ang paglikha ng batas laban sa mga insidente ng road rage sa bansa, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, ang kanilang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Aniya, ang lilikhaing batas ay magpapaliwanag ng kahulugan ng road rage incidents at magiging multa ng mga sangkot sa insidente.

Binanggit ni Mendoza na magaan lamang ang multa sa insidente, lalo na kung hindi ito humantong sa kamatayan.

“Even sa penalty no, kaya binasa namin ‘yung batas medyo prohibitive ‘yung penalty, we cannot impose penalty higher than four years, suspension or revocation dahil nga that four years would be mayroong death or injury. Kung walang death or injury, kung grabe naman pagka-road rage niya, parang may special law siya, para ‘yung penalty niya would not be just a simple violation noong 4136, reckless driving or improper person. ‘Yung specific penalty talaga, define it and penalize road rage incident,” anang opisyal.

Kamakailan, dalawang kahalintulad na insidente ang naganap sa Quezon City at Valenzuela kung saan parehong naglabas ng baril sa publiko ang dalawang dawit sa insidente.

Nauna nang iginiit ni Senate Presidente Juan Miguel Zubiri na dapat na gumawa ng special law upang hindi mangyari ang insidente at ito ay para na rin sa kapakanan ng mga driver, motorista at pasahero.