Puwede raw makatulong ang simpleng paghingi ng tawad sa publiko nina "It's Showtime" hosts Vice Ganda at Ion Perez hinggil sa kinahaharap na 12 airing days suspension ng programa, ayon mismo kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto.

Sa panayam sa kaniya ng isang lokal na pahayagan, natanong umano ang MTRCB Chair kung mababago ba ang pasya ng board sa suspensyon ng show, kung sakaling magsasabi ng sorry ang mag-jowa, kaugnay ng pagkain nila ng cake icing sa segment na "Isip Bata" na naging dahilan upang kumilos ang ahensiya at maungkat ang iba pang umano'y reklamo ng viewers at netizens sa nabanggit na noontime program.

Ayon umano kay Sotto, as published, "Honestly, I personally think that, yes, it will help, but siyempre, may kaniya-kaniyang pag-iisip ang board. Hindi ko naman kontrolado ang kanilang kaisipan. Pero yes, makakatulong talaga.”

Matatandaang nagsagawa ng public apology ang "E.A.T." host na si Wally Bayola matapos makatanggap ng notice ang programa dahil sa nasambit niyang malutong na mura, habang nasa "Sugod Bahay" segment.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

MAKI-BALITA: Wally Bayola, nag-public apology hinggil sa pagmumura niya sa national TV

Subalit sa kaso ng It's Showtime, nanindigan ang pamunuan ng programa at ABS-CBN na walang anumang paglabag sa batas na nagawa ang hosts kaya aapela pa sila sa suspensyong ipinataw rito. Habang isinusulat ang artikulong ito, tumatakbo na rin ang araw mula sa 15 days na ibinigay sa kanila upang magpasa ng motion for reconsideration.

MAKI-BALITA: It’s Showtime aapela pa sa desisyon ng MTRCB

Sa kabilang banda, hindi rin nagbigay ng public apology si Vice Ganda para sa MTRCB o sa mga manonood. Paminsan pa nga ay naisasama pa niya ito sa mga pabirong hirit niya.

MAKI-BALITA: Vice Ganda humirit pa rin ng biro sa kabila ng suspension ng MTRCB

May mga pagkakataon namang itinatama na kaagad ni Vice Ganda ang mga studio contestant na may maling nagagawa o nasasabi habang sila ay umeere.

MAKI-BALITA: ‘Chumorva kagabi!’ Vice Ganda sinaway agad ang ginang na kalahok sa ‘Isip Bata’

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Vice Ganda, Ion Perez, o ang pamunuan ng It's Showtime at ABS-CBN tungkol sa naging pahayag ni Sotto. Bukas ang Balita sa kanilang panig.