“I love you so much to not support you on things that will harm you…”

Ito ang bahagi ng mahabang mensahe ng dating Sexbomb na si Izzy Trazona matapos lumabas ang balitang sinusuportahan niya ang pagiging drag queen ng anak na si Andrei.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang noong Hulyo 6, ipinakilala ni Andrei ang kaniyang sarili sa publiko bilang “Sofia.”

"Hi, my name is Sofia. I am 21 years old, and I am the SexBomb legacy,” aniya sa kaniyang introductory video sa Instagram.

Nabanggit niya na supportive ang kaniyang ina dahil nakikita umano nito na nag-e-enjoy siya sa kaniyang ginagawa. Wala rin daw itong judgment sa pagpapa-sexy niya.

“Actually, surprisingly, super supportive niya when it comes to my craft. Kasi nga nakita niya na rin na super nag-e-enjoy ako lalo na yung bumibili ako ng mga gamit, ganon…” ani Andrei.

“Wala siyang judgment kahit anumang pagpapa-sexy ko at ano, pagpapa-show off ko ng skin. Super support siya,” aniya pa.

Makalipas ang ilang buwan, ibinahagi ni Izzy sa publiko ang kaniyang heartfelt message para sa anak.

“I miss you Drei, you’re always in my prayer..everyday. I love you so much. And that will never be changed,” paunang sabi ng dating Sexbomb Girls member sa isang Facebook post noong Setyembre 11.

“Sometimes, parents & their children have disagreements and its normal. But I know both sides have that pain in their ❤️ and wishes that they will just simply agree w/ each other. Both have their own reason of what they are fighting for,” dagdag pa niya.

Kuwento pa niya, kahit siya raw ay naranasang maging anak sa kaniyang mga magulang. Marami rin daw siyang gustong gawin pero palaging humihindi ang kaniyang ina. Pero na-realize niya raw na ginagawa lamang daw ‘yon ng kaniyang ina dahil prino-protektahan siya nito.

“I myself, experience being a daughter to my parents, I have a lot of things in mind to do, but my mom will keep on saying “no”. Ofcourse sadness & hatred is what I felt, and later did I know, that she is just protecting me. Back then all I see is her angry face, but now I realized that it is LOVE. I thought that mom doesn’t want me to be happy, but she is just concern that in the end of it all. I won’t get hurt w/ my decisions,” pagbabahagi ni Izzy.

Minsan na rin daw siyang sinabihan ng anak na si Andrei ng “you’ll never know what I feel kasi you we’re never in my shoes.”

Bagamat naiintindihan niya pero hindi pa naman daw nararanasan ni Andrei na maging magulang. Gusto lang naman daw niya kung ano ang “the best” para sa anak.

“Yes, I agree, same with me, hindi mo parin naman nararanasan maging magulang. All I want is for your best. Im holding on with the TRUTH that is written in the bible, the word of God. The One who created us,” aniya. “Nandon kasi ako sa ending ng lahat ng ito, Heaven & earth will pass but my words will not pass away (Matt 24:35).”

“So if my children, the 4 of them, will do something that is against the faith that I have in Christ, that will I disagree. I point them to Jesus because with that I will be secured with their future. The best I know I can give to my children, more than richness, fame and all,” saad pa ng dating sexbomb.

“Putting my hope on what Jesus did on the cross for me, paid the consequence of my sin. Instead of me paying it. Sin will bring me to eternal death, hell. But He saved me. By believing and surrendering my life to that truth.”

Dagdag pa ni Izzy, hindi man makuha ni Andrei ang buong suporta niya pero mahal naman niya ang anak.

“Sino ba naman magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na pwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo,” aniya.

“Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you…your mama, mahal na mahal kita.”

Samantala, maraming netizens ang hindi natuwa sa mga isinambit ni Izzy.

“This is so passive aggressive”

“Dpat yung mga gantong bagay as much as possible wag nyo ng ipost sa social media, pag usapan n lang ng maayos .. kasi like now ma stress k n sa issue nyo mas lalo stress ka lalo kz ang daming mag bash sayo.. at sa anak mo tas baka imbis magka ayos kayo lalo pang gumulo”

“How can you call that love when the first thing about love is acceptance?”

“This is really so sad , knowing na from sexbomb gurls pa si mommy na alam namain nating lahat na siyang humubog sa sangkabaklaan sa buong pilipinas na matutong lumaban sa buhay”

“"I love you, but with reservations." Gano'n baaaa”

“OMG akala ko tanggap siya. This is sad”

“So sad, chose an invisible man in the sky over her son, her own flesh and blood. Bigots like you Izzy, don’t deserve to have children.”

“and you call yourself a mom? the moment you start loving your kids with conditions that’s when you stopped being a mom.”

“Well, ang pagiging isang Kristiyano ay ang pagpiling MAGMAHAL kaysa maging TAMA. Gets ko naman ang sentiment nung mom, pero despite of the situation, dapat pang-unawa, pagtanggap at pagmamahal ang manaig pa rin sa huli. Loving is not condemning. It's about accepting people of who they are.”

“Pede ba let's just stop using bible verses or our God just to say na hindi mo tanggap ang gender ng isang tao.. 2023 na.. enough..”

“kawawang bata, yung magulang pa nagsabi na mapapasama sya.”

“Kung mahal nyo talaga ang anak nyo dapat tanggapin nyo sya kung sino at anu man pagka tao nya just saying”

“Kung mahal mo anak mo sana di ka na lang nagpost ng ganito. This is not for your son, pinost mo lang to para protektahan sarili mo sa backlash siguro among your “religious” community kasi sinabe ng anak mo na tanggap mo sya. Di ka nya deserve. Bye.”

“If that's what makes your son happy, then why not support him all the way? Andrei is an adult already; for sure, he knows his boundaries.”

“THAT'S NOT unconditional love!! unconditional love is loving them for what they are and who they will be, not choking them to be a version of what you think is right for you but what about the child's perspective? Will he/she want it that way too? controlling love and using "bible card" is not a genuine love at all.”

“Love without conditions. You're the mother and you should love him like Jesus loves us, unconditionally.”

“You need more time to understand your feelings, mommy. This is not it yet. You still have more character improvement to go through.”