Pormal na ring sinimulan ang payout o pamamahagi ng cash assistance sa mga rice retailer na naapektuhan ng price ceiling sa Valenzuela nitong Miyerkules, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tampok sa distribusyon ng tig-₱15,000 ayuda sa mga micro rice retailer ang pagbisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Marulas Public Market sa naturang lungsod

Ang cash aid distribution ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng ahensya.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Nitong Setyembre 9, inumpisahan sa Quezon City, Caloocan at San Juan ang pamimigay ng financial assistance alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasunod na rin ng pagpapalabas nito ng Executive Order 39 na nagtatakda ng price ceiling na ₱41 kada kilo (regular milled rice) at ₱45 per kilo naman para sa well-milled rice.