Kahit nagsimula na ang School Year 2023-2024, nadagdagan pa rin ang bilang ng mga estudyanteng nagpatala ayon sa Department of Education (DepEd).

Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2023-2024 na inilabas ng DepEd, nabatid na hanggang alas-2:00 ng hapon nitong Martes, Setyembre 12, 2023, nasa 26,688,999 na ang kabuuang bilang ng mga estudyante na nagparehistro para sa bagong taong panuruan.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ayon sa DepEd, ang mga naturang estudyante ay nagparehistro sa public at private schools, gayundin sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (SUCs).

Nabatid na pinakamaraming estduyante ang nakapagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 3,899,204; Region III (Central Luzon) na may 2,939,997 enrollees at National Capital Region (NCR) na may 2,744,757 enrollees.

Samantala, ang Alternative Learning System (ALS) ay nakapagtala naman ng 303,261 enrollees.

Ang SY 2023-2024 ay nagsimula na noong Agosto 29.

Tiniyak naman ng DepEd na patuloy na tatanggap ng enrollees hanggang sa katapusan ng Setyembre.