Ipinagdiwang ni Kapamilya singer Erik Santos ang kaniyang 20th anniversary sa “ASAP Natin ‘To” noong Linggo, Setyembre 10.

“I just wanna say…my singing career was born on this very exact stage. Dito po sa ASAP. Paulit-ulit ko pong sasabihin na ang ASAP po ang nagluwal sa aking singing career. And up until now, after 20 years, naririto pa rin po ako. Magkakasama pa rin po tayo,” pahayag ni Erik.

Dagdag pa niya, lubos siyang nagpapasalamat na makapagdiwang siya ng 20th anniversary sa industriyang pinili niya.

“Because not everyone is given the chance, the opportunity to, you know, to celebrate such a milestone in their career.”

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Tuluyang naging emosyunal si Erik nang magpasalamat siya sa mga taong naging bahagi ng kaniyang tagumpay gaya nina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, at Ogie Alcasid. Lalo na nang sariwain niya ang alaala ng kaniyang tatay habang sabay nilang kinakanta ang mga awit nina Gary Valenciano at Martin Nievera.

Nabanggit din niya na ang mangyayaring show sa October 6 sa Mall of Asia Arena ay inaalay umano niya para sa kaniyang mga magulang.

Matatandaan na halos magkasunod na pumanaw ang ina at ama ni Erik kamakailan.

MAKI-BALITA: Ama ni Erik Santos, pumanaw na

MAKI-BALITA: Kapamilya singer Erik Santos, nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang Nanay Lits