Inamin ng drag queen na si Sofia o Andrei Trazona na nagsinungaling siya sa sinabi niyang suportado siya ng kaniyang inang si Izzy Trazona sa pagiging drag queen.

Nagawa lamang daw niyang magsinungaling dahil gusto niyang protektahan ang ina.

Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

“I LIED IN AN INTERVIEW that she supports for what I am and for what I do just to protect her from any backlash but there's no point in protecting her because the truth came out straight from her,” saad ni Sofia nitong Martes, Setyembre 12.

Sa naturang post, nag-iwan siya ng mensahe para kay Izzy. Aniya ayaw na raw niyamg mamuhay sa kasinungalingan.

“As much as I love you, you know that I don't wanna live in a lie. I'm sustaining myself for years now and I am living responsibly honest. I'm tired of this conversation about me being gay and doing drag,” aniya.

Naniniwala rin ang drag queen na balang araw ay maipagmamalaki siya ng kaniyang ina sa kung ano siya.

“I wanna end this argument by saying that ‘| wanna live my own truth and someday you will be proud of what I will become.’”

Sa dulong bahagi ng mensahe, sinabi ni Sofia na mahal na mahal niya ang kaniyang ina pero hindi na raw ito healthy para sa kaniya.

“I love you so much mom but this isn't healthy for me anymore. I hope someday you will understand how it feels to be in my shoes. I miss you but you're not bringing me any comfort and compassion I deserve.”

Matatandaang naglabas ng saloobin si Izzy sa kaniyang Facebook post kamakailan hinggil sa anak na si Andrei.

Maki-Balita: Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?