Kinaaliwan ng maraming netizen ang ganap ni“Unkabogable Star” Vice Ganda sa “Tawag ng Tanghalan” nitong Martes, Setyembre 12.

Nag-ala-broadcast journalist kasi ang komedyante nang ipakilala niya ang mga hurado ng nasabing segment sa madlang people.

Pero ang higit na kinaaliwan nila ay noong sabihin ni Vice ang paraan ng pagkokomento ng mga hurado.

“May narinig akong flat. May narinig akong shot. Parang hindi ko naramdaman ang damdamin. Parang kulang sa pagkukwento. Andami nilang sinasabi. Pero ang lahat ng ‘yan, mag-eending sa overall, I still love the performance.”

Eleksyon

Pagbabawas ng isang taon sa kolehiyo, isinusulong ng party-list

https://twitter.com/foreverponyvg3/status/1701494770491949236

Narito ang komento ng netizens sa kaniyang video:

“Parang pa. kmjs mi JAJJAJAJ”

“infairness pasado si meme as broadcast journalist pwedeng pwede”

Samantala, sinampahan naman ng kaso kamakailan ang mag-jowang sina Vice Ganda at Ion Perez ng isang grupo ng mga social media broadcaster dahil umano sa kanilang “indecent act” na naging dahilan para patawan sila ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ng 12-airing days suspension.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Ion sinampahan daw ng kasong kriminal ng ‘socmed broadcasters’