Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Nasa 90,000 litro ng umano'y puslit na diesel na nagkakahalaga ng ₱5 milyon ang nasamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Zamboanga City kamakailan.

Sa report ng PCG, aabot sa 600 drum ng diesel ang nabisto nilang karga ng M/L Zshahuny II sa Varadero Port, Cawit nitong Setyembre 9.

Paliwanag ng Coast Guard, ididiskarga na sana ng mga tripulante ang kargamento nang dumating ang mga tauhan nito mula sa District Southwestern Mindanao, Bureau of Customs, T Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing lugar.

Inihahanda na ng PCG ang kaso laban sa mga naarestong tripulante ng nasabing sasakyang-pandagat.