Kinaaliwan ng maraming netizen ang Facebook post ni Chabelita Co sa isang Facebook online community nitong Linggo, Setyembre 10.

Dagdag: Kasama niya kasi ang pet cat nang maisipan niyang bumili ng pang-almusal sa isang sikat na fast-food chain. Kaya lang, hindi pinayagang makapasok sa loob ang pusa.

“Bibili lang kami breakfast kaso hindi daw pala siya pwede pumasok kaya take out nalang at picture muna kay jollibee 😂” saad ni Chabelita sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya, tuwang-tuwa umano ang kaniyang pusa dahil makakain na ito ng chicken joy sa Jollibee.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Chabelita na 4 na buwan na raw ang edad ng pusa ayon sa veterenarian nito.

“Pero nakuha po namin siya sa labas 2 months pa lang po siya nun,” pasubali niya.

Hindi rin umano niya inakalang magba-viral ang kaniyang post. Natuwa lang daw siya dahil bihira sa pusa ang ngumingiti kapag pini-picture-an. Kaya naman magkahalong gulat at tuwa ang naramdaman niya nang makita ang lumalagong bilang ng shares at reactions ng picture ng pusa niya.

“Madami palang napasaya tao ‘yung ganong simpleng pag picture namin kay Ming.”

Kaya ang mensahe niya para sa mga fur parent na gaya niya, sana marami pa umanong kumupkop sa mga pusang Pinoy.

“Wala ‘yan sa breed ng pusa as long as minamahal at inaalagaan natin sila nang maayos. Ibabalik din sa ‘tin ng mga alaga natin yung pagmamahal na pinakikita natin sa kanila. Sana madami pang tao ang mag save ng life ng mga puspin.”

Sa kasalukuyan, may mahigit 17k reactions at 1.5k shares ang nasabing post ni Chabelita. Narito ang ilang komento ng netizens sa picture ni Ming:

“Ang cute cute 🥰 nman ng mingming na yan 😂♥️♥️”

“Ang cute ni mingming..😺😻”

“Ganda nga ng smile Nia ❤️”

“ang kyot nman nyarn 🤗♥️”

“friend na sila no bubuyog pariho silang cute"

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!