Libu-libong train commuters ang nakinabang sa ipinagkaloob na libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga atleta at delegado ng FIBA 2023.

Batay sa isang advisory, iniulat ng MRT-3 na kabuuang 3,342 atleta at mga delegado ng FIBA ang nakinabang sa naturang libreng sakay, na ipinagkaloob sa buong oras ng operasyon ng rail line.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng MRT-3 na nagpasya silang magbigay ng free rides bilang pagsuporta sa mga atletang lumahok sa patimpalak kung saan nagsilbing co-host ang Pilipinas.

Nagsimula ang libreng sakay ng MRT-3 noong Agosto 25 at nagtagal hanggang sa pagtatapos ng FIBA 2023 noong Setyembre 10.

Ang MRT-3, na bumabagtas sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nagdudugtong sa North Avenue, Quezon City hanggang sa Taft Avenue, Pasay City.