Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Martes ng madaling araw, Setyembre 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:30 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 16 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan na may lalim na 4 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II- City of Laoag, Ilocos Norte
Intensity I- Aparri, Cagayan
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.