"This is a triumph against tyranny…”
Ito ang reaksyon ng Akbayan Party matapos na mapawalang-sala si Nobel Peace Prize laureate at Rappler chief executive officer Maria Ressa, maging ang Rappler Holdings Corporation (RHC) sa huli nilang tax evasion charge nitong Martes, Setyembre 12.
"Malinaw na walang basehan ang mga alegasyon laban kina Maria Ressa at Rappler. Isa lang ito sa mga paraan ng nakaraang administrasyon para patahimikin ang mga kritiko," ani Akbayan Party President Rafaela David.
"Dissent is always essential in any democracy. It's high time that we strengthen our efforts in the fight against government abuse and impunity,” dagdag pa niya.
Dahil nanalo raw si Ressa, nararapat daw na palayain na rin si dating Senador Leila de Luma.
“Nanalo na sina Maria Ressa sa korte. Isunod naman natin si former Senator Leila de Lima, na dapat nang palayain sa lalong madaling panahon," ani David.
"Sa dulo, tiyakin natin na ang katarungan at katotohanan ang mananaig. Our victory against tyranny will only be complete if the tyrant himself is brought to justice. Dapat nang panagutin si Duterte sa International Criminal Court,” dagdag pa niya.
Sa inilabas na desisyon ng Pasig RTC Branch 157, hinatulan si Ressa at ang Rappler na “not guilty” sa huli nilang tax evasion case na may kinalaman sa value-added tax return ng kompanya sa ikalawang quarter ng 2015 na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱300,000.
Maki-Balita: Maria Ressa, pinawalang-sala sa tax evasion