Nagwakas na nga noong Biyernes, Setyembre 8 ang "Voltes V: Legacy" na isa na yata sa pinakamalaki at pinakamagastos na TV project hindi lamang ng GMA Network, kundi maging sa kasaysayan ng Philippine television, na may 80 episodes lamang.

Malungkot man dahil sa finale, proud naman ang direktor nitong si Mark Reyes sa legacy at achievement na nagawa ng kaniyang team, at siyempre, ng kaniyang home network.

"Because of you the road to Victory was a success! Thank you for joining us for one last time in this #oneepicride . The series may have ended but the Legacy has just began! @voltesvlegacy #pinoypride🇵🇭 #sowhatsnext #waitforit," caption ni Direk Mark sa kaniyang Instagram post.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

View this post on Instagram

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

Curious ang mga netizen sa kaniyang Instagram posts kung saan tila nagbabadyang may naghihintay pang malaking proyekto na puwedeng kasinlaki rin ng Voltes V: Legacy.

Tanong ng mga netizen, posible kayang magkaroon ito ng sequel, o itutuloy na ang PH adaptation ng "Daimos?"

Matatandaang sa naging panayam ng Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis kay GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes sa "Just In," sinabi niyang isa sa mga planong gawin ng network ay adaptation ng Daimos na isa sa mga naging paborito ring anime show ng mga bata noon. At ang napipisil na magbida raw dito ay si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

MAKI-BALITA: Netizens, umalma; Alden, gaganap sa live adaptation ng ‘Daimos’?

Well, abangan na lang kung ano ang ibig sabihin ng mga pahiwatig ni Direk Mark sa kaniyang Instagram posts na "@voltesvlegacy signing off……. or are we?😉 #butwaittheresmore" at "#waitforit."

View this post on Instagram

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)